Inaasahang matatangap na ng qualified Group 3 beneficiaries ang ikalawang tranche ng UPLIFT Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, matatanggap ito ng mga low-income SSS members na nakatanggap na ng unang tranche at patuloy na kwalipikado sa programa.
Samantala, nasa 265,795 bagong Group 3 beneficiaries ang inaasahang makatatanggap ng parehong Tranche 1 at Tranche 2 sa October 16, kung na-update nila ang kanilang DAEM hanggang October 5.
Paalala ni Dumlao, mahalagang updated ang DAEM para maiwasan ang unsuccessful crediting dahil sa invalid o dormant accounts.
Nagbabala rin ang ahensya laban sa mga scam at hinikayat ang publiko na personal na impormasyon at banking details ay huwag ibigay sa kahina-hinalang mensahe.
Sa ngayon, nasa 865,971 low-income SSS members na ang nakatanggap ng UPLIFT cash aid. | ulat ni Rey Ferrer