Pinag-aaralan ng Department of Agriculture at DALI Everyday Grocery ang isang partnership na maaaring magbigay ng mas direktang merkado sa mga lokal na magsasaka.
Layunin ng posibleng kasunduan na maiugnay ang mga magsasaka at kooperatiba sa lumalawak na network ng mga grocery store ng DALI.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaaring magsilbing contract-
growing partner ang DALI at magbigay ng mas matatag na merkado para sa mga magsasaka.
Sinabi ng DA na partikular na makikinabang ang mga nagtatanim ng gulay sa highland at lowland areas dahil magkakaroon sila ng mas direktang access sa merkado.
Iniulat ng DALI na mayroon na itong 1,403 na tindahan at target nitong umabot sa 1,600 stores bago matapos ang 2026. Inatasan ni Tiu Laurel ang DA na agad tumulong na maiugnay ang DALI sa mga mapagkakatiwalaang kooperatiba at farmer groups para mapalawak ang farm-to-customer supply chain.