Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga bansang ASEAN na pag-isahin ang social protection at disaster response para mas mabilis na matulungan ang mga apektado ng kalamidad.
Ayon kay DSWD Undersecretary Adonis Sulit, dapat maprotektahan ang mga naabot na development gains ng mga komunidad laban sa epekto ng mga sakuna.
Kabilang sa mga hakbang ang maagang pagbibigay ng cash assistance at iba pang ayuda bago lumala ang krisis.
Binigyang-diin din ni Sulit ang koordinasyon ng mga ahensya, local government at humanitarian groups sa pagtugon sa mga sakuna.
Samantala, sinabi naman ni DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe na palalakasin ng ASPECT Framework ang koordinasyon at paghahanda ng ASEAN sa iba’t ibang panganib.
Layunin nitong maging mas maaga, mabilis at organisado ang pagtugon ng mga bansang ASEAN sa mga kalamidad.