Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng pinansyal na ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño sa Camarines Norte.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa provincial government para mapabilis ang pagresponde sa mga apektadong pamilya.
Hinihingi ng DSWD sa pamahalaang panlalawigan ang kumpletong listahan ng mga magsasakang naapektuhan upang matukoy ang mga benepisyaryo ng ayuda.
Nakapaghatid na rin ang ahensya ng unang batch ng family food packs para makatulong sa mga pamilyang nabawasan ang kita dahil sa tagtuyot.
Samantala, pinag-aaralan pa ng DSWD ang eksaktong halaga ng financial assistance batay sa tindi ng pinsala sa mga pananim.
Sinabi ni Gatchalian na tuloy-tuloy ang tulong ng national government sa mga komunidad na apektado ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer