Nagpaabot ng UPLIFT Assistance–Emergency Cash Transfer ang Department of Social Welfare and Development sa 1,600 sugarcane farmers at farm workers na naapektuhan ng red-striped soft scale insect o RSSI infestation sa Passi City, Iloilo.
Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang isinagawang payout nitong Lunes, Oct. 5, sa Passi City Arena.
Ayon sa DSWD, hangad ng cash assistance na makatulong sa agarang pangangailangan at pagbangon ng mga magsasaka at manggagawa matapos maapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pest outbreak.
Target ng DSWD na umabot sa 6,000 hanggang 7,000 sugarcane farmers at laborers sa Passi City ang mabigyan ng tulong.