Nasa ₱6.2-bilyon ang gagamitin ng Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño at mapanatili ang tuloy-tuloy na produksyon ng agrikultura.
Gagamitin ng Department of Agriculture o DA ang nasa ₱6.2-bilyon inilabas na pondo sa ilalim ng UPLIFT program para tulungan ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño at mapanatili ang tuloy-tuloy na produksyon ng agrikultura.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pulong balitaan sa Malacañang na nasa ₱45-bilyon ang inihirit ng kanilang ahensiya sa ilalim ng UPLIFT at ang ₱6.2-bilyon ay para ipantulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Dagdag ni Laurel na inaasahan din ng kanilang departamento ang dagdag na ₱10-bilyon na gagamitin sa ilang mitigation efforts kontra El Niño.
Kabilang dito ang pagbili ng solar irrigation, solar pumps, solar aerators at karagdagang biofertilizer.
Layunin nitong matulungan ang mga magsasaka sa mga lugar na nakararanas ng kakulangan sa tubig.