Nagpatawag ng pulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kung saan ay agenda ang pinakahuling update sa paghahanda ng gobyerno kontra epekto ng El Niño sa bansa.
Utos ng Punong Ehekutibo sa mga pinuno ng kagawaran, gawing mabilis at tuloy-tuloy ang pagkilos para mapagaang ang epekto ng El Niño na magdudulot ng matinding init mula ngayong Oktubre hanggang Marso 2027.
Bilin din ani Castro ng Pangulo, huwag nang hintayin pa na lumala ang sitwasyon bago kumilos at sa halip, dapat ay mailatag na ang kailangang preparasyon sa tagtuyot.
Kasama din sa utos ng Presidente ang pagpapalakas sa information dissemination para sa taumbayan sa gitna ng hinaharap na weather phenomenon.
Layunin aniya nito na maging handa ang lahat at maiwasang lumikha ng artificial panic na ginagamit ngayon ng ibang content creator.