Matinding paghahanda na ang ikinakasa ng Philippine National Police partikular ang National Capital Region Police Office o NCRPO para sa nalalapit na 49th ASEAN Summit simula November 16 hanggang 18.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo, aktibo na ang binuong Task Force Metro Manila ASEAN 2026 na siyang pangunahing magtitiyak ng seguridad para sa isasagawang ASEAN Summit.
Ani Asilo, patuloy ang isinasagawa nilang koordinasyon sa iba’t ibang partner agencies maging sa mga local government units upang mapahigpit pa ang kordon ng seguridad.
Isinasapinal na rin ng NCRPO ang security plan para sa nalalapit na ASEAN Summit upang maikasa na ang komprehensibong latag ng seguridad sa malaking pagtitipon.
Sa ngayon wala pang pinal na bilang ng ide-deploy na kapulisan dahil iba-base pa ito sa maisasapinal na security plan para sa 49th ASEAN Summit.