Dagdag-ginhawa para sa kabuuang 4,308 benepisyaryo sa Calasiao, Pangasinan ang karagdagang suplay ng bigas na ipinamahagi sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang (BBM) Rice Distribution Program.
Ilan sa mga benepisyaryo ng programa ay mga manggagawang mababa ang sahod, senior citizens, Persons With Disabilities (PWDs), at iba pang kabilang sa vulnerable sectors.
Ngayong Oktubre 5, 2026, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang ikalawang tranche ng tig-20 kilo ng bigas, na pinangunahan nina Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. at Usec. Facundo Palafox IV ng Office of the Executive Secretary.
Sa kabuuan, umabot sa 40 kilo ng bigas ang natanggap ng bawat benepisyaryo mula sa dalawang tranche ng programa.
Tinatayang ₱11.9 milyon naman ang inilaan na pondo para sa naturang rice support program sa Calasiao.
Bahagi ng naturang suporta ang alokasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan mula sa Local Government Support Fund (LGSF).
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Usec. Palafox na alinsunod ang programa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit na maipadama sa mga Pilipino ang malasakit at serbisyo ng pamahalaan.
Ipinunto naman ni Secretary Abalos na hindi lamang nakikinig ang pamahalaan sa mga pangangaylangan ng mga mamamayan, kundi kumikilos din upang matugunan ang mga ito at maipadama ang malasakit ng gobyerno.
Dumalo rin sa programa sina Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, Deputy Speaker at Pangasinan Third District Representative Rachel Arenas, Calasiao Mayor Patrick A. Caramat, Vice Mayor Kevin Roy Macanlalay, at iba pang opisyal ng lalawigan at bayan.


