Screenshot
Bumaba na ang Air Quality Index (AQI) sa mga lungsod sa Metro Manila, kaya wala nang naitalang lugar na nasa kategoryang “Very Unhealthy” at “Acutely Unhealthy.”
Batay sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), anim na lungsod na lamang ang may air quality na hindi pa rin ligtas para sa kalusugan, lalo na para sa mga sensitibo sa polusyon gaya ng mga bata, matatanda, at may mga karamdaman.
Kabilang dito ang Las Piñas, Makati, Malabon, Parañaque, Quezon City, at Taguig.
Samantala, ang siyam na iba pang lungsod sa Metro Manila ay nasa kategoryang “Fair” ang kalidad ng hangin.
Una nang sinabi ng EMB na makatutulong ang pag-ulan para bumaba ang antas ng polusyon o usok at fine particulate matter.