Personal na bumisita si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa ilang evacuation center sa Pampanga at Zambales para kumustahin ang lagay ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng ilang araw na malakas na pag-ulan.
Kabilang sa binisita ng kalihim ang mga pamilyang Aeta na pansamantalang nananatili sa Porac Municipal Gym.
Gayundin ang bayan ng San Marcelino sa Zambales na karamihan din ng residente ay Aeta Communities.
Bukod sa pamamahagi ng food assistance, tiniyak ni Sec. Gatchalian na nakahanda ang karagdagang suporta para matulungan ang mga apektadong pamilya na makabangon.
Halos isang buwan nang nagsasagawa ng relief operations ang DSWD sa Central Luzon na nakatanggap na rin ng pinakamalaking bilang ng food packs.
📸 DSWD

