Nakipagpulong si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Malabon District Engineering Office para talakayin ang mga hakbang para matugunan ang problema sa pagbaha sa lungsod.
Partikular na tinalakay ang pagbaha sa Barangay Maysilo at ang kinakailangang infrastructure projects para mapababa ang flood risk at mapabuti ang kalagayan ng mga residente.
Kabilang sa mga proyekto ang Pumping Station sa Tinajeros Bridge sa M.H. Del Pilar, Barangay Maysilo; pagtatayo ng Remegio Pumping Station 1; drainage system sa Yanga Street mula Gov. Santiago Street hanggang Tongco Street; at drainage system sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street.
Ayon sa alkalde, patuloy na isusulong ng lokal na pamahalaan ang mga proyektong makatutulong na mabawasan ang panganib ng pagbaha sa lungsod