Nagsuspinde na ng klase ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, September 2, 2026 dahil sa masamang panahon na dulot ng Habagat.
Walang pasok sa lahat ng antas pampubliko man o pribadog paaralan sa mga sumusunod na lugar: Itogon, Benguet; Calumpit, Bulacan; San Simon, Apalit, Candaba, Guagua, Masantol, Minalin, Bacolor at San Fernando sa Pampanga.
Wala ring pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Lingayen, Aguilar, Bautista, Bayambang at Binmaley sa Pangasinan.
Walang pasok ang Pre-school hanggang Senior High School sa Atok Benguet habang mula daycare hanggang senior high school naman sa Basista, Pangasinan, pampubliko at pribadong paaralan.
Pinapayuhan naman ang mga mag-aaral, guro, at magulang na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsiyo ng kanilang lokal na pamahalaan at mga paaralan para sa iba pang pagbabago sa class suspension.