Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring ng Deparment of Environment and Natural Resources – Environment Management Bureau (DENR-EMB) hinggil sa forest fire sa Indonesia na nagdulot ng haze sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa panyam ng Mark In, Mark Out kay DENR-EMB Environmental Quality Management Division Chief, Engr. Jundy Del Soccorro mas nakatutok ngayon sila sa Air Quality Index na mas madaling maintindihan ng publiko.
Sinang-ayunan din ng DENR ang nauna nang abiso ng Department of Health na paggamit ng N95 face mask upang makaiwas sa mga fine particles na dala ng haze na posibleng magpalala sa ano mang lung at cardiovascular condition.
Payo pa ng DENR na kung maitatala ang unhealthy, acutely unhealthy, at very unhealthy air quality index ay manatili na lang muna sa loob ng bahay o sa loob ng alin mang gusali at imprastraktura.
Sa ngayon hindi tumitigil ang DENR sa monitoring nito sa forest fire management efforts sa Indonesia upang mapaghandaan ang posibleng mas matagal na epekto ng haze sa bansa.