Nalinis na ang mga paaralan sa Lungsod ng Marikina matapos na gamiting evacuation center sa kasagsagan ng bagyo at habagat.
Alinsunod sa direktiba ni Marikina Mayor Maan Teodoro, agad na nagsagawa ng cleaning, flushing, sanitation, at disinfection sa mga paaralan.
Nilinis at inayos ang mga silid-aralan, hallway, hagdanan, at iba pang bahagi ng paaralan upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral at guro.
Bukod sa mga paaralan, nagsagawa rin ng malawakang clearing operations sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
📸 Marikina LGU

