Pormal nang isinumite ng International Criminal Court (ICC) Prosecution ang listahan ng mga witness at ebidensya sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo R. Dutere.
Ang tatlong pahinang confidential document ay naglalaman ng listahan ng witnesses at ebidensya ay naisumite ng Office of the Prosecutor sa Trial Chamber III.
Sa ilalim ng Regulation 23bis (1) ng Regulations of the Court, ang nasabing files ay confidentially filed dahil ito ay naglalaman ng sensitibong witness information.
Nahaharap sa three counts ng crimes against humanity ang dating Pangulong Duterte dahil sa paglaban niya noon sa illegal na droga sa panunungkulan niya bilang pinuno ng bansa na ikinasawi ng 6,000 katao base sa record ng goyberno.
Habang sa listahan ng human rights group ay umaabot ng mahigit 30,000 ang bilang ng mga nasawi.