Patuloy na palalakasin ng Department of Social Welfare and Development ang mga programa nitong naglalayong maiangat ang mga pamilyang Pilipino mula sa kahirapan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mahalagang mamuhunan sa edukasyon at kalusugan ng mga bata upang maputol ang paulit-ulit na siklo ng kahirapan.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng self-rated poverty sa 55% nitong Setyembre, mula sa 49% noong Hunyo, batay sa survey ng Social Weather Stations.
Kabilang sa mga programang patuloy na ipatutupad ang 4Ps, na sumusuporta sa kalusugan at edukasyon ng mga anak ng mahihirap na pamilya.
Mula 2022, nasa 1.6 milyong pamilya na ang nakapagtapos sa programa, habang 3.5 milyong pamilya pa ang patuloy na tinutulungan ng ahensiya.