Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbibigay nila ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief (HADR) Operations sa mga apektado ng mga pagbaha dulot ng masamang panahong dala ng habagat.
Partikular na rito ang paghahatid ng relief supplies buhat sa Clark Air Base sa Pampanga patungo sa mga apektadong komunidad sa Brgy. Sta. Fe sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.
Aabot sa 1,000 Family Food Packs buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binitbit ng Air Force sa pamamagitan ng airlift upang maihatid sa mga apektadong komunidad.
Pinangunahan ng Air Force Tactical Operations Wing Northern Luzon at ng Air Logistics Support Command ang naturang operasyon sa pakikipag-ugnayan naman sa Philippine Army.
📸 PAF

