Photo courtesy of Marikina LGU
Nagpadala ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng team mula sa Rescue 161 sa San Simon, Pampanga upang tumulong sa nagpapatuloy na relief at response operations sa mga lugar na nananatiling baha.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, agad silang kumilos matapos humingi ng tulong si San Simon Acting Mayor Anne Canlas para sa kanilang response operations.
Kabilang sa tututukan ng Rescue 161 team ang paghahatid ng relief goods sa mga komunidad na mahirap pa ring maabot dahil sa baha.
Nagsimula ang deployment kahapon, September 1 at mananatili ang team sa lugar hanggang September 3.
Matatandaang nakaranas ng matinding pagbaha ang San Jose at San Simon, Pampanga matapos masira ang concrete flood barrier sa Barangay San Jose dahilan ng pag-apaw ng tubig mula sa Pampanga River.
Bukod dito sa nakaranas din ng pagbaha sa bahagi ng NLEX San Simon interchange bridge bunsod ng malakas na ulang dala ng Habagat nitong mga nakaraang araw.