Nananatili pa ring sapat ang suplay ng bigas ng bansa kahit pa ang palay ang nagunguna sa may pinakamalaking napinsala pagdating sa sektor ng agrikultura dulot ng mga nagdaang bagyo at matinding Habagat.
Sa panayam ng programang Boses, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, sapat pa rin kasi ang stockpile ng bigas ng bansa at nariyan pa ang volume ng imports.
Dagdag pa ni De Mesa, na ilan sa mga naapektuhang palay ay partially damaged lang na may malaking tiyansa pa ng recovery kaya naman mapakikinabangan pa ito.
Maliit na bahagdan lang din ang naapektuhang 41,000 metriko tonelada ng rice produce kung ikukumpara sa 20 million metric tons per year na rice produce ng bansa.
Wala ring dapat ipangamba sa presyuhan ng bigas dahil nananatili pa rin itong stable.
Kaya naman babala ng DA sa mga mananamantala sa presyo ng bigas, na huwag na itong subukan dahil tiyak na mabigat na multa at parusa ang nag-aabang sa kanila.