Tumanggap ng tig-₱200,000 financial assistance ang 327 barangay sa Aklan sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa bawat ₱200,000, ang ₱100,000 ang gagamitin para sa educational assistance ng limang estudyante sa bawat barangay, na makatatanggap ng tig-₱20,000.
Ang natitirang ₱100,000 ay para sa mga pangunahing pangangailangan at proyekto ng barangay. Ang pamamahagi ng pondo sa barangay ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na palakasin ang suporta sa lahat ng barangay sa buong bansa.
📸 Governor Joen Miraflores