Aprubado sa Philippine National Police (PNP) ang hakbang hinggil sa pagpapalakas pa ng batas patungkol sa gun ownership.
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Director, Police Brigadier General Wilson Asueta, isa itong malakas na panawagan lalo na sa mga uniformed personnel na mag-doble ingat sa safekeeping ng kanilang mga armas.
Ito’y upang maiwasan na magamit ito ng ibang tao at makaiwas sa posibleng mas malalang mga insidente ng karahasan.
Ayon kay Asueta ipinag-utos na rin ng hepe ng Pulisya na maging mas mahigpit ang safekeeping ng mga pulis sa kanilang mga armas lalo na kung ito ay itinatago rin nila sa kani-kanilang bahay.