Papasok ang Pilipinas at Amerika sa isang drone technology cooperation upang mas mapalakas pa ng bansa ang unmanned capabilities nito.
Kinumpirma mismo ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na ilang American drone tech companies na ang nagpahayag ng interes para makipagtulungan sa Pilipinas.
Ani Romualdez, malaking oportunidad ito upang palakasin ang external defense capabilities ng bansa.
Ilan sa drone tech companies na nagpahayag ng interes na tulungan ang Pilipinas sa pag-develop ng drone technology ay may kasanayan na sa Ukraine-Russia War.
Plano rin ng nasabing mga kUmpanya na pumasok sa isang potensiyal na joint venture para sa drone development at manufacturing.