Mahigpit na ang Department of Energy na kapag patuloy ang isang generation companies sa paglabag ay handa silang otomatiko itong tanggalan ng permit na makapag-operate o ma-blacklist.
Sa isang panayam kay DOE Secretary Sharon Garin giit nya kailangan na nilang higpitan ang kanilang three-warning rule kung saan kapag nakatatlong warning na ang isang genco sa pauli-ulit na paglabag ay mapipilitan sila na i-blacklist ito.
Sinabi naman ito ni Garin matapos kumpirmahin na may 40 nang generation companies na binigyan ng 1st warning mula sa daan daang napa-showcause order noong buwan ng June.
Paliwanag ni Garin hindi maaaring kapag may nasira ay papabayaan lang na genco na maaapektuhan ang konsumers. Aniya may paraan para tiyakin na maayos pa rin ang suplay ng kuryente sa mga kabahayan
Pasok naman dito ang mga may paglabag sa Public Service Act o kaya sa rules mismo ng DOE at Energy Regulatory Commission.
Katuwang naman ng DOE ang ERC sa pagbabantay sa mga Gen Co na tama ang serbisyo na ibinibigay sa publiko. | ulat ni Louisa Erispe