Ibinahagi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may ilang senador ang kinokonsiderang kwestiyunin at hilingin na babaan ang voting threshold para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.
Ayon kay Zubiri, may ilang kasamahan na senador na gustong balikan ang naging ruling sa voting threshold dahil inilabas aniya ni Presiding Officer Chiz Escudero ang ruling ay wala pang nawawalang senador.
Ngayon aniya, may mga nakakulong na at may mga hindi nagpapakita.
Sinabi ni Zubiri na maaaring pagdebatehan ito ng mga senador at humiling ng ruling mula sa Presiding Officer.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang conviction sa impeachment trial ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng hindi bababa sa two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.
Matatandaang pagsisimula ng impeachment trial noong July 6, itinakda ni Escudero na kailangan ang 16 affirmative votes para ma-convict si VP Sara.