Itinanggi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naghahangad siyang maging susunod na Chief Justice ng Supreme Court kasunod ng napipintong pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre.
Sa panayam sa Senado, diretsahang sinabi ni Remulla hindi siya mag-a-apply para sa posisyon.
Ayon kay Remulla, wala na siyang ibang ambisyon sa ngayon at nais niyang manatili sa Office of the Ombudsman para tapusin ang kanyang trabaho.
Itinalaga si Remulla bilang Ombudsman noong October 2025 at nakatakdang magsilbi hanggang 2032.