Nanindigan ang Malacañang na hindi mabagal ang ginagawang pagkilos ng gobyerno para maresolba ang mga problemang kinakaharap sa kasalukuyan ng bansa sa pagbaha.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sadyang marami lang talagang dapat ayusin na ayon na din sa mga eksperto ay hindi naayos ng ilang dekada.
Halos apat na dekada ani Castro ang naiwan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat dapat resolbahing problema na may kinalaman sa baha.
Pagbibigay-diin ni Castro, hindi mabagal ang ginagawa aksyon ng Pangulo at patunay dito ang mga hakbang na nagawa na para maibsan ang problema sa baha.
Ilan lamang dito ang pagpapagana at paggawa ng pumping stations, mobile pumping machine, at iba iba pa na tinutugunan ng Pangulo at ng kanyang administrasyon.