Photo courtesy of Baras LGU
Nagpalabas ng abiso ang Pamahalaang Bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal, ngayong umaga.
Pansamantalang hindi madaraanan sa ngayon ang 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗮𝗾𝘂𝗲 𝗛𝗶𝗴𝗵𝘄𝗮𝘆 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗱𝘂𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗹𝗼 𝗔𝗹𝘁𝗼, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗶𝗻𝘂𝗴𝗮𝘆 sa Baras, Rizal dahil sa 𝗻𝗮𝗶𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀𝗹𝗶𝗱𝗲 o 𝗽𝗮𝗴𝗴𝘂𝗵𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗽𝗮, ngayong umaga.
Sa ngayon, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗮𝗻𝗴 naturang 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘀𝗮𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝘆𝗮𝗻.
Nagpaalala naman ang local government ng baras sa mga motorista na maging maingat sa pagpapatakbo ng sasakyan at panatilihin ang ligtas na distansya sa ibang sasakyan.
Magmanman sa mga posibleng kasunod na pagguho ng lupa o pagkahulog ng mga bato, lalo na tuwing may pag-ulan at maging mapagmasid sa mga road at traffic signages na nakatalaga sa lugar.
Kung kinakailangan, humanap muna ng alternatibong daan patungo sa destinasyon upang makaiwas sa abala
Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Department of Public Works and Highways (DPHW) upang agad na maisagawa ang clearing operations at matiyak ang kaligtasan ng lahat.