Magtutungo ang mga tauhan ng Office of Civil Defense (OCD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na apektado ng masamang panahon gaya ng Habagat gayundin ng mga nagdaang bagyo.
Ngayong umaga, pinangunahan ni OCD Administrator, Undersecretary Harold Cabreros ang send-off ceremony para sa “Hatid Tulong ara sa Sambayanan” sa Kampo Aguinaldo para palakasin ang nagpapatuloy na relief efforts ng pamahalaan
Sampung military trucks karga ang sako-sakong bigas at inuming tubig na ipinadala ng OCD ang tutulak sa Central Luzon partikular na sa mga bayan ng Pulilan, Calumpit, Hagonoy, Bulakan at Paombong sa Bulacan.
Inaasahang nasa 300 pamilya o katumbas ng 1,500 indibidwal ang makikinabang sa ipinadalang tulong ng pamahalaan.
Bukod sa Bulacan, sunod namang hahatiran ng tulong ang iba pang bayan at lungsod sa Central Luzon.