Lumahok ang Department of Agriculture-Davao Region o DA-11 sa Sabah International Expo 2026 na ginaganap mula Setyembre 2 hanggang 6 sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.
Layunin ng expo na palawakin ang networking at trade connections sa pagitan ng mga negosyo mula sa BIMP-EAGA at ASEAN.
Itinatampok ng DA-11 ang mga produktong pang-agrikultura ng Pilipinas, partikular ang mga Halal-certified products, upang mabuksan ang mas maraming oportunidad para sa international market.
📸 DA XI