Photo courtesy of Digital Pinoys
Nagpahayag ng suporta ang grupong Digital Pinoys sa paggamit ng PhilSys para sa identity verification sa social media at iba pang online platforms gaya ng gaming.
Ayon kay Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo, ito ang pinakasimple at ligtas na paraan para matiyak na totoong tao ang nasa likod ng isang account.
“With this mechanism, platforms will be able to verify the person without handing over the ID or any other information to them and obliging them to be repositories of our National ID information. The platforms will only need to know if a person has a National ID or not.”
Maaari rin aniyang makatulong ang verification sa pagtukoy sa troll farms at iba pang account na ginagamit sa pagpapakalat ng fake news, misinformation, harassment, at manipulation.
Binigyang-diin ni Gustilo, na maaaring manatiling anonymous o gumamit ng pseudonym ang users, ngunit hindi dapat maging proteksyon ang anonymity laban sa pananagutan.