Kumpiyansa ang House prosecution team na matagumpay nilang naipakita sa Senate Impeachment Court ang umanoy pag-abuso sa confidential funds pati na ang direktang pananagutan ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay sa gitna ng kanilang paghahanda sa pagpiprisinta ng ebidensy sa kasong unexplained wealth (Article II).
Ayon kay House trial spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, sapat at matatag ang mga naiprisintang ebidensya at testimonya ng mga saksi ukol sa paghawak sa ₱612.5 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), noong 2022 at 2023.
Binigyang-diin ni Adiong na layunin nilang maipakita sa taumbayan kung paano ginastos at saan napunta ang pampublikong pondo.