Nasa pangangalaga na ngayon ng Labor Attache sa Oman ang labi ng dalawang Pilipino Seafarer na nasawi sa Strait of Hormuz gayundin ang 14 na kasamahang seafarers na nakaligtas.
Ito ang pinagbigay alam ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Usec. Olalia, kasalukuyang inaasikaso ng Labor Attache sa Oman ang pagpapauwi sa Pilipinas ang labi ng dalawang nasawing Filipino Seafarer.
Dagdag pa ng DMW Official, tinutugunan na din ng Labor Attache sa Oman ang pangangailangan ng 14 na Pinoy Seafarers para sa agarang repatriation ng mga ito.
Lulan ng Saudi Arabian Crude Oil Tanker na SIDR ang 16 na Filipino Seafarers ng tamaan ito ng missile habang binabaybay ang Strait of Hormuz.