Naniniwala si House prosecution panel adviser at spokesperson Ace Barbers na mas magiging epektibo ang binagong schedule ng impeachment trial sa Oktubre dahil mas mabilis nitong matatapos ang proseso.
Ayon sa kaniya, layunin ng prosecution na maging mabilis at epektibo ang paglilitis upang hindi mawalan ng interes ang publiko, basta’t sapat na ang mga naipresentang ebidensya.
Binigyang-diin ni Barbers na bagama’t pinag-aaralan pa ang paglalabas sa ilang saksi at ang posibleng pag-drop sa bribery charges, wala pa itong pinal na desisyon.
Importante aniya na kung sapat na ang mga ebidensya, hindi na kailangan pang pahabain ito.
Sakaling maituloy ang mga hakbang na ito, inaasahan ng prosecution panel na matatapos nila ang paghaharap ng ebidensya bago sumapit ang Nobyembre.
Panawagan ni Barbers, dapat maging balanse ang trial upang pabilisin ang proseso at mas madaling maunawaan ng taumbayan.