Photo courtesy of Presidential Communications Office
Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ginagawang paghahanda sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, para sa ika-49 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Nobyembre.
“Kaninang umaga, pinangunahan ng Pangulo ang inspection ng PICC bilang paghahanda para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Pasay City.”, ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro.
Kung matatandaan, ang Pilipinas ang nagsisilbing chairman ng 2026 ASEAN Summit, na gaganapin sa Metro Manila mula November 13 hanggang 15, 2026.
Ang regional meeting ay mayroong temang: “Navigating Our Future, Together.”
Kung matatandaan, bago nito, una na ring binuksan ni Pangulong Marcos ang newly renovated Coconut Palace, kung saan tampok ang Filipino architecture at craftsmanship, bilang paghahanda pa rin sa pagtanggap ng bansa sa world leaders at delegates mula sa sa ASEAN.
Ang pulong sa pagitan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ay nagpapatuloy, upang masiguro na magiging maayos ang pagdaraos ng ASEAN Summit sa Nobyembre.