Photo courtesy of DSWD Region 7
Pinabibilis ng National Commission of Senior Citizen (NCSC) ng pamamahagi ng cash gift para sa mga nakatatanda.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing matatanggap ng mga nakatatanda ang mga benepisyo mula sa gobyerno.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NCSC Chair Ma. Merceditas Gutierrez na base sa kanilang pinakahuling datos, pumalo na sa higit 95,000 ang bilang ng mga senior na nasa edad 80 years old ang nakatanggap ng P10, 000 mula sa gobyerno.
Ang mga nasa edad 85 naman, nasa higit 54,000 na ang nakatanggap ng cash gift.
Umakyat na rin sa 22,000 ang 90 years old na nakatanggap ng cash gift.
Habang ang mga 100 year-old seniors na nakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa gobyerno ay nasa 1,230 na.
Pagsisiguro ng opisyal, tuloy-tuloy na pinoproseso ng kanilang tanggapan ang mga application o claims ng mga senior, at matatanggap nila ang kanilang benepisyo, sa lalong madaling panahon.