Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahigpit na implementasyon ng alternative learning modes at learning continuity measures sa mga pampubliko at pribadong paaralan, sa gitna ng suspensyon sa physical classes sa Metro Manila at ilan pang probinsya sa bansa, dahil sa mga patuloy na pag-ulan.
Ito ay upang masiguro na hindi maaantala at patuloy ang pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral.
Kung matatandaan, ngayong Biyernes, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 134 (Sept. 4, 2026), alternative learning modes muna ang umiiral para sa educational institutions sa National Capital Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, at Occidental Mindoro.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mayroon itong kinalaman sa mga pag-ulan at sa poor air quality bunsod ng haze mula sa severe forest at peatland fires sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.