Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Agad na umalalay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Nathaniel Taborlupa Dizon, na nakaligtas sa pagguho ng Agana Bridge sa Tarlac City sa kasagsagan ng Habagat, noong August 29.
Sa koordinasyon ng DSWD Field Office 3 at SWAD Tarlac, nakatanggap ang pamilya ng ₱10,000 cash assistance at medical assistance para sa kanilang pangangailangan.
Binigyan din sila ng Psychological First Aid o PFA para matulungan silang harapin ang takot at trauma dulot ng insidente.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa pamilya para matukoy ang iba pang tulong na maaari nilang matanggap.