Patuloy ang mahigpit na pag-monitor ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa anomang insidente ng krimen o karahasan kasunod ng kamakailang nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga.
Sa panayam ng programang Bangon, Bayang Mahal kay Zamboanga Sibugay Provincial Police Office Spokesperson Police Captain Russel Jan Parungao, sinabi nitong naging maayos ang mga isinagawang safety drills sa mga paaralan katuwang ang Department of Education (DepEd) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Giit pa ni Parungao na mas pinalakas pa nila ngayon ang Police visibility sa mga paaralan upang agad na marespondehan ang anomang insidente na mangyari.
Epektibo din ayon sa PNP Zamboanga Sibugay ang kanilang mga naging kampanya upang mapababa naman ang antas ng kriminalidad sa kanilang probinsya.