Isinasapinal ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang guidelines para matiyak ang biosecurity makaraang aprubahan ang commercial use ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Ang AVAC live vaccines mula Vietnam, na dinivelop ng AVAC Vietnam Joint Stock Company, ay kauna-unahang ASF vaccine na inaprubahan ng gobyerno para sa commercialization, pitong taon mula nang tumama ang ASF sa Pilipinas.
Ayon kay Officer-in-Charge Director Dr. Christian Daquigan, mahigpit na babantayan kung sino ang mga hog raiser na nakatanggap ng bakuna.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang bentahan ng naturang bakuna online.