Iba pang uri ng ASF vaccine sa Pilipinas, posibleng madagdagan
Positibo ang Bureau of Animal Industry (BAI) na madadagdagan pa ang uri ng African Swine Fever (ASF) vaccine na maaaring magamit sa Pilipinas.
Ayon kay BAI Officer-in-Charge Director Dr. Christian Daquigan Daquigan, nakalinya na ang iba pang bakuna na susuriin ng ahensya habang may iba pang kompanya ang interesado na isalang sa trial ang kanilang vaccine.
Sa ngayon, ang AVAC live vaccines mula Vietnam ang kauna-unahang ASF vaccine na pinayagan ang commercial use sa Pilipinas.