CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), default quality
Tiwala ang isang international climate at energy policy group na kayang itaguyod ng gobyerno ang climate insurance policy, partikular sa mga mahihirap.
Ginawa ni Institute of Climate and Sustainable Cities (ICSC) Executive Director Angelo Kairos Dela Cruz ang pahayag sa gitna ng mga pagsisikap ng pamahalaan na ibsan ang epekto ng climate change.
Sa programang Boses, sinabi ni Dela Cruz na sapat ang kakayahan at impluwensya ng Pilipinas sa global insurance community para i-angkop at ipatupad ito sa bansa.