Halos umabot na sa 1.5 million na pasahero ang dumaan sa PITX ngayong Undas, mula October 26 hanggang kahapon, November 2.
Di hamak na mas mataas naman ito kung ikukumpara sa bilang ng mga pasahero noong nakaraang taon.
Ayon sa pamunuan ng PITX, mas marami ang pasahero ngayon sa terminal dahil mas accessible na ito sa publiko sa tulong ng LRT line 1 bukod dito mas marami ring pasahero ang piniling magcommute nalang kaysa bumyahe ng nakapribadong sasakyan dahil sa mahal ng gasolina.
Kahit naman marami ang nga pasahero hindi nagsisiksikan sa terminal dahil sa mabilis ang turnaround time o pagbalik ng mga bus.
Hindi kinakailangan na magintay ng mga bbyahe para sa bus Inaasahan naman na mas marami pa rin ang babyahe sa long weekend para sa ASEAN Summit sa November 16-18 kaya isa rin ito sa pinaghahandaan ng terminal ngayong buwan.