Walang naging interbensiyon sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa pag-aresto kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, walang iniutos ang Pangulo sa pag-aresto o pagtrato kay Romualdez, sa kabila ng malapit nilang ugnayan bilang magpinsan.
Nilinaw din niyang wala silang naging komunikasyon ng Ombudsman sa nakalipas na anim na araw bago ipatupad ang warrant of arrest.
Naaresto si Romualdez kahapon sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kaugnay ng kasong plunder. Binigyang-diin ni Remulla na walang pinipili ang batas at susundin ng mga awtoridad ang utos ng korte.