Naghain ng not guilty plea si Marikina First District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro matapos basahan ng sakdal sa apat na bilang ng rape na isinampa laban sa kaniya ng dalawang babaeng pulis.
Sa sala ni Judge Deogracias Natividad ng Marikina City Regional Trial Court Branch 272, kapwa lumitaw ang dalawang complainant na nagsilbing security aide ni Teodoro sa magkaibang panahon.
Batay sa kanilang mga sinumpaang salaysay, hindi umano isang beses lamang nangyari ang mga insidenteng kanilang isinumbong.
Ayon sa unang policewoman, nagsimula umano ang sexual advances ni Teodoro ilang araw matapos siyang maitalaga bilang security aide nito.
Samantala, inakusahan din ng ikalawang policewoman si Teodoro ng non-consensual sexual touching at sexual assault habang naka-duty bilang security aide. Itinakda ng korte ang susunod na pagdinig ngayong buwan kaugnay ng apat na bilang ng rape laban sa kongresista.