Mahigit 3-milyong doses ng flu vaccines, available na sa Oktubre
Bibili ang pamahalaan ng 3,054,000 doses ng flu vaccines ngayong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Gloria Balboa, posibleng sa Oktubre o Nobyembre dumating sa bansa ang nasabing mga bakuna.
Bukod pa ito sa ikalawang batch ng 4.4 million doses ng bakuna na inaasahan naman sa susunod na taon.
Prayoridad sa mga tututukan ng flu vaccines ang mga senior citizen at health worker.