CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Inaasahan ngayong umaga ang Return of Warrant ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan.
Matatandaang kagabi ay naisilbi kay Romualdez ang Warrant of Arrest sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan, kung saan isinagawa rin ang booking procedure habang nananatili siyang naka-confine dahil sa kanyang medical condition.
Ayon kay CIDG-NCR Chief Col. John Guiagui, natapos na ang booking procedures at kinunan ng litrato si Romualdez habang nakahiga sa kanyang hospital bed at suot ang orange detainee shirt.
Nasa ospital din kagabi ang sheriff ng Sandiganbayan Third Division para beripikahin ang presensya at kondisyon ni Romualdez. Kasama naman umano nito sa ospital ang kanyang mga abogado, doktor, at immediate family members.
Samantala, patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa dalawang pribadong indibidwal na kasama sa warrant, habang si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ay nananatiling nagtatago sa abroad.