₱1 billion ang inilaang pondo ng DOT para sa tourism branding campaign kung saan ipinakilala ang “Discover More to Love”—isang “refreshment” ng “Love the Philippines”.
Ayon kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, layunin ng bagong approach na higit na maipakita ang ganda ng Pilipinas at ang mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa bansa.
Pagbabahagi pa ni Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary for Branding Ren Sapitan, na isa sa mga unang repormang ipinatupad nila ay pagbabago sa tono ng komunikasyon ng kagawaran upang maging mas masaya, makabuluhan at mas malapit sa publiko.
Hindi naman umano nila pinalitan ang kasalukuyang branding campaign, ngunit binago ang paraan ng pagpo-promote at pagma-market sa mga destinasyon ng bansa.
Para naman makaakit pa ng mga lokal at dayuhang trusita, partikular ang mga Gen Z, nililigawan nila ngayon ang P-pop groups na SB19 at BINI na maging tourism ambassador ng bansa.
Maging ang tennis star aniya na si Alex Eala ay nais nilang makatuwang.
Sinabi ni Sepitan, na patuloy ang pakikipag-usap ng DOT sa SB19 at BINI para sa mga partnership at collaboration, at hinihintay ang kanilang magiging tugon hanggang ngaynog buwan ng Setyembre.
Dahil dito, personal na nanawagan si AKBAYAN Party-list Rep. Perci Cendana sa dalawang P-pop groups na tanggapin ang panawagan na makiisa sa kampanya ng DOT at tumulong sa pagsusulong ng turismo ng Pilipinas.