Naniniwala ang House Prosecution panel na pagkakataon upang direktang masagot ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga paratang laban sa kanya sa isinampang kasong Plunder sa Sandiganbayan.
Ito ang nagkakaisang reaksyon nina House Prosecutors Gerville Luistro, Joel Chua, at Impeachment Manager Robert Ace Barbers matapos pormal na isampa ang kaso laban sa dating lider ng Kamara.
Ayon kay Luistro, alinsunod sa Rule of Law ang mga kasong isinampa laban kay Romualdez, na patunay din ng pananagutan at transparency sa pamahalaan.
Ipinahayag naman ni Chua na iginagalang nila ang pasya ng Ombudsman at umaasa silang gagamitin ni Romualdez ang lahat ng nararapat na ligal na hakbang upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Binigyang-diin din ni Barbers na simula’t sapol ay malinaw na ang tindig ng dating Speaker na handa nitong harapin ang anumang pormal na imbestigasyon.
Nagpaabot din ng tiwala ang mga mambabatas na igagawad kay Romualdez ang kanyang karapatan sa isang patas na paglilitis o due process.