Isinusulong ng Mindanao Development Authority o MinDA ang Rapid-to-Resilient Water Supply Program upang mabigyan ng ligtas at maaasahang suplay ng tubig ang mga underserved at waterless communities sa Mindanao.
Ayon kay MinDA Chairperson Secretary Leo Tereso Magno, ipatutupad ang programa sa tatlong yugto katuwang ang Standard Water Philippines Corporation at mga local government unit.
Sa unang phase, gagamit ng mobile water treatment plants at tankers upang agad na makapaghatid ng potable water sa underserved at conflict-affected areas.
Sa ikalawang phase, magtatayo ng permanent water systems kabilang ang deep wells, elevated tanks at communal faucets upang mabawasan ang pagdepende sa water tankers.
Sa ikatlong phase naman, palalawakin ang distribution lines at maglalagay ng household metered connections para sa mas sustainable na serbisyo ng tubig.
Sinabi ni Magno na bukod sa pagtugon sa pangangailangan sa potable water, bahagi rin ang programa ng pagpapalakas sa Mindanao bilang growth center at investment destination ng bansa.
📷 MinDA